Sabado, Nobyembre 12, 2011

Para po kay ANGEL PAUL GUAiTAo


Totoo nga’t pag nawala lang ang isang tao saka lang natin nalalaman at nararamdaman na mahalaga pala sila sa buhay natin. Oo. Ikaw. Kilala mo kung sino ka! Noong nawala ka para akong unan na walang punda, paliparan na walang eroplano at pasahero, mesa na walang pagkain, flash drive na walang memory at class card na walng grades. Sa madaling salita “Ako na walang ikaw.” Ganyan ka kahalaga saken, na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mundo ko sa sobrang gulo at dilim. Kumbaga sa subject ng pag-ibig, ang grade ko ay FLAT 5 (singko) kasi pinakawalan ko yung taong mahal ko at mahal din ako, na pwede ding IKAW.
Ilang beses ba dapat humingi ng tawad para lang mawala lahat ng sakit ng naidulot ko sayo?
Ilang beses dapat maramdaman ang guiltness?
Ilang beses ba dapat umiyak dahil masakit at masaklap pala ang araw-araw pag wala ka?
Ilang beses ba dapat ipakita na nagsisisi na ko sa naging desisyon ko?
Ilang beses ba dapat iwasang isipin ang fantasy na isa ka sa mga bida?
Ilang tanong na ang sagot ay naglalakbay pa sa kalawakan na idedeliver pa ng Justice League sa aking kwarto. Pero kailan pa yun? Pag namumuti na ang mata natin at halos di na kaya pang maglabas ng luha. ilang dekada pa? Maghihintay akong mawala ka na sa puso’t isipan ko.
Di man magawang lumapit ngayon, ayon ay dahil sa nasasaktan ako. Gaano man ako nakokonsensya at gustong gustong humingi ng tawad sayo. Natatakot na ko, ramdam ko na yung layo mo parang ako sa HS building. ikaw sa NB building, nakikita nga natin ang isa’t isa pero walang mga salitang lumalabas sa mga bibig natin. Mawawala din yung takot ko dati na mawala ka, kasi alam kong kahit nangyari man ito sa atin o hindi alam ko  darating din ang araw na mawawala ka at dumating na nga ang araw na yun. Isang bagay na hindi ko manlang mapag-laban sa iba dahil sa takot.
Di na natin maibabalik ang mga araw na yon at di ko na din maibabalik yung nararamdaman mo para sakin. Maaaringmay magustuhan ka ng iba at sa wakas mahalin ka na din niya hindi tulad ng ginawa ko. Sa madaling salita, ilang beses ko mang sabihin sayo na MAHAL KiTA wala na yung epekto sayo. Muli ako’y nakakilala ng isang spiece na kayang palambutin ang matigas kong pride at puso kailan man di akin.
— Marahas na nilalang,
MARIA LORENA FORTALEZA :)

Lunes, Oktubre 24, 2011

"Yung feeling na, ikaw ang PINAKAMAHALAGANG tao sa kanya tapos, magugulat ka na lang isang araw na HINDI na pala."





Yung feeling na masaya at kuntento na ko sayo. Wala na akong ibang gusto kundi ikaw na lang. Masaya na nga kasi at kuntento ako. Sabay na tayo nangangarap para sa future natin. Ang dami ng plano. Ang dami ng pangarap at pangako. Sabay natin tutuparin yun, akala kasi natin tayo na. Tayo na talaga. Alam natin sa sarili natin noong mga panahon na yun, na tayo na talaga. Masyado na tayong kampante sa pagmamahal natin sa isa’t isa. Katulad ng panahon, nagbago din bigla nararamdaman natin para sa isa’t isa.

Alam ko marami akong pagkakamali at pagkukulang sayo. Ang taas ng pride ko! Ang ikli ng pasensya ko pagdating sayo. Lagi nalang ako nagsisimula ng away. Kahit napaka-liit lang na bagay. Kahit hindi pa nga dapat pag awayan eh. At kahit walang dahilan naiinis ako sayo. Diba? Pero lagi ka pa rin andyan handang maglambing at mag-sorry sakin, kahit ako yung may mali. Napaka-childish ko, maldita, selosa, tupakin ko. Pero andyan ka pa rin. Ang swerte ko kung tutuusin, pero hindi kasi nila alam LAHAT.

Masyado akong naging kampante sa pagmamahal mo, hindi ko aakalain na mangyayari ulit to satin. Pero mas okay na rin ‘to. Mas lalo mo na naman kasi ako pinalakas at pinatatag eh. Mas lalo ko na naman nakilala sarili ko.

Ngayon, nakikita na kitang masaya sakanya, okay na rin ako. Huwag kang mag-alala andito pa rin naman ako, as your BESTFRiEND. Huwag mo lang ako sasabihan ng bitter, sa pag ooffer ng friendship ko. Kilala mo ko. Handa kong mapatunayan na Bitter nga ko, kung gugustuhin ko. Pero hindi ako ganun. Dahil ayoko. Ayoko kasi hindi dapat at hindi tama. Masaya na rin naman ako sa mga taong nagmamahal sakin. Hindi man ako ganun kakumpleto, pero alam ko may isang taong kukumpleto ulit sakin. Sabi mo nga hindi ko kailangan ng boyfriend, para lang masabing masaya ako. Salamat ulit. Sana wag mo siyang saktan at wag ka niyang iwan once na nakilala ka na niya talaga. :) SALAMAT. Ingat ka nalang lagi. GodBless! :) StudyHard! And don't forget to SMiLE :) Kain ng madami ng tumaba. PAYAT!

YOUR THE REASON WHY I SMILE :)





What’s scary when someone treats you special? Its when you get used to it, YOU EXPECT. YOU ASSUME. YOU FALL. Then you’ll realize that it was just a friendly gesture and nothing more.

Bakit nag-eexpect ako? Bakit nag-aassume ako? Eh kase nga pinapakita mo at pinaparamdam mo na dapat kung gawin at maramdaman yon. Ang dame ng nagbago sating dalawa. Masasabi kong hindi na nga tayo tulad ng dati. Mas nagegeng open na tayo sa mga secrets.

‎"Being inspired with someone is the simplest and the best reason why you find yourself smiling without a reason" 

Yung feeling ng mag-isa ka. At nakatingin sa kawalan. Bigla mo nalang namamalayan na ngumingiti ka na mag-isa. Matatawa ka nalang sa sarili mo pag natauhan ka. At mapansin mo na may mga taong nakangiti sayo habang tinitingnan ka. Natutulala ako dre. Lalo na pag naalala ko yung mga kalokohan mo pag katext kita. Kalokohan, kaaningan, kabaliwan na nagpapangiti sakin sa boung araw. Yung nagpapapilit ka pa para ikaw na lang magresearch ng report ko. Natutuwa ako sayo, kahit pinapabili mo ko ng kung anu-ano bago tayo magkita. Para ka kasing bata pag natetext sakin. Lalo na pag binibigyan mo ko ng chupa chups at oreo. Yung effort na ganun dre. Yung bumaba ka pa sa isang branch ng Mercury kahit meron naman sa FCM, para lang bumili nun bago tayo magkita. Nakakakilig. :3 Yung pag iwas mo sa aircon sakin nung sumakay tayo ng bus, dahil sa ayaw mo ko matuyuan ng pawis. Yung pag lingon mo sabay ngiti at pag sasabe ng “Ingat ka aning!”  sakin bago ka bumaba sa STI. Alam mo yun? Nakakakilig! Yung pigil na pigil tawa ko kasi tininingnan ako ng katabi ko.

ANO BA TAYO?
Yan ang tanong na gustong gusto kong itanong sayo. Tingin nila TAYO, pero hindi naman tayo. Nalilito ako.mas lalo na naman ako napapalapit sayo eh. Eh baket kasi ganun sitwasyon natin? Pareho ba tayo ng nararamdaman? Nagpapakita ka ng mga bagay na dapat kung asahan. Ginagawa mo nga ba talaga yun para paasahin ako o saktan lang? Alam mo yun? Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko pag magkatext tayo eh. Andoon yung feeling ng tayo, suddenly marerealize ko hindi nga pala tayo. Dati kasi pag magkatext tayo bigla ka nalang mawawala, tapos bigla magpaparamdaman ulit. Tapos ngayon, nagugulat na lang ako. Kahit kasi may ginagawa ka nagtetext ka pa rin, pagkakatapos mong kumaen nagtetext ka agad agad at nagpapaalam pa sa mga gagawin mo (parang nung tayo pa). Napapalapit na naman puso ko sayo. Ramdam mo naman diba? Nagagalit ka na ulit sakin pag may gagawin akong hindi mo gusto, yung pinagbabawal mo dati. Nalilito ako. Alam ko kasi sa sarili ko minamahal na naman kita. Nag-eexpect na ko. Nag-aasume pa. :| Pero ano nga ba dapat kung maramdaman? Mahirap pigilan kahit gusto ko. Mahal kita. Alam mo na yun. Ramdam mo naman? Mahal mo nga din ako pero iba pa rin eh. :|

Dapat nga ba talaga ko mag-expect at mag-assume? Ewan ko. Go with flow na lang ako. :)

Martes, Oktubre 18, 2011

TALAMBUHAY

                Ako si Ivy Balasta Cabarda. Isinilang noong Nobyembre 23, 1994. Panganay na anak ng mag-asawang Joy at Danilo Cabarda. Mayroon ako isang kapatid na babae, pitong taon ang agwat namin. Laking Lolo’t lola ako. (Mother side)  Kaya mas malapit loob ko sakanila.

            Pumasok sa paaralan noong tatlong taon gulang pa lamang. Lola ko ang nag-aalaga sakin. Nag-aaral pa kasi Nanay ko noon, nagtratrabaho naman aking Tatay. Kaya hindi nagtataka kung bakit mas mahal at mas gusto ko sa Lola ko. Panganay ako na apong babae. Lahat halos ng gusto at kailangan ko ay naibibigay sakin ng walang kahirap hirap. Lahat din halos ng gusto ko salihan noong elementarya ako ay nasasalihan ko. Kinuha ako ng Tatay ko sa Lola ko noong ako’y anim na taong gulang. Dito na kami tumira sa Maynila. Nakakabanibago noon. Ayoko pumasok sa paaralan dahil natatakot ako sa mga kaklase ko noon. Dahil nga bago lang ako sa Maynila. Hindi ako pumasok ng dalawang lingo sa paaralan. Kaya nagpasya ang aking mga magulang na ilipat nalang ako ng paaralan. Sa Fairview Elementary School ko pinili, para makasama ko mga pinsan ko. Buti nalang at kakilala ng Tita ko yung Principal, kaya nakalipat pa ko. Gaya ng iniaasahan ko, hindi rin anging madali ang unang lingo ko sa paaralan nay un. Salamat na lang sa aking tagapayo noon, ginawa niya kasi akong modelo na dapat daw gayahin ng aking mga kaklase. Nageng malapit sakin mga kaklase ko simula noon. Nageng madaldal at makulit na rin ako. Nagegeng dahilan kung abkit napapagalitan mga kaklase ko, at hindi ako. Dumaan ang mga panahon. Malapit na ko magtapos ng elementarya. Natatandaan ko pa kung paano ko niyakap Tatay ko sa sobrang saya noong sinabi na pupunta Lolo ko para sa graduation ko. Ang sarap ng pakiramdam na makita mo sa mga mata ng Lolo at mga Magula mo na proud sila sayo.

            Bakasyon bago ako pumasok sa hyhskul, tinanong ako ng Tatay ko kung saan ko gusto mag-aral. Sinabi kong sa Lagro High School ako mag-aaral, para makasama ko mga bestfriend ko. Noong una ayaw nila pumayag, pero noong tumagal pumayag na rin. Bagong kapaligiran, bagong paaralan, bagong mga guro, bagong mga kaibigan, bagong buhay, bagong yugto ng buhay ko. Nageng masaya at makulay buhay ko sa LHS. Unang taon sa hyhskul, naranasan ko na agad ang sinasabi nilang FiRST LOVE. Naging STUDENT TEACHER ako sa asignaturang Filipino. Naging pangalawang-pangulo n gaming seksyon. Nageng Top Student. Noong nasa ikalawang taon na ko lalo ako naging pursigido ako na mag-aral. Nararamdaman ko kasi ang kompetinsya noon sa aming klasrum. Sali ditto, Sali doon. Naranasan ko din noon na halos uuwi nalang sa bahay para makikaen, makitulog at makiligo. Naging busy ng sobra. Noong dumating ikatlong taon ko ay naranasan ko ng maging bulakbol. Naranasan kong uminum, subukan ang pag yoyosi, magcutting. Lahat ng Gawain ng gagomg estudyante nagawa ko noon. Pero hindi ko pinabayaan pag-aaral ko. Ika-apat na taon, sinabi ko sa sarili ko magseseryoso na ko noon sa pag-aaral. Pero nageng gago pa rin ako. Araw-araw bago pumapasok, umiinum kami ng mga kaklase ko. Bilang pangulo n gaming seksyon, lahat ng gusto ko nasusunod, bukod na rin yun sa ako ang tinuturing nilang bunso. Nageng top student pa rin ako sakabila ng mga ginawa ko. Unang bese ko din nakaranas noon ng pagkabigo sa pag-ibig.

            Bago ako pumasok sa Kolehiyo. Madami akong paaralan na sinubukan. Isan na doon ang PUP. Pasado naman sa entrance exam, ayaw lang ng mga magulang ko. Malayo daw at bahain. Sumunod ang AdU, kasama ko bestfriend ko magtake ng exam noon, pati sa PNU sinubukan namin. Sa kasamang palad, na una siyang mag-enroll sakin sa UM, kaya mas pinili ko na rin sa NCBA.

            Masaya naman ang buhay bilang isang WiLDCAT/NaCBAian. Lalo na mageng isang Marketista. Ang dami na naman bago. Pero sa ngayon sanay na ko sa NCBA. Habang tumatagal nakikilala ko mga tunay kong kaibigan. Alam ko na hindi nila ko iiwan hindi katulad ng iba.

            Naranasan ko ng magmahal at masaktan ng sobra. Magmahal ng sobra, na hindi ko namalayan na masasayang lang pala sa bandang huli. Hindi ko naman inisip na tanga ako. Nagmahal lang talaga ko ng sobra. Dahil sa sobrang pagmamahal na kalimutan ko sarili ko. Ngunit ito ako ngayon. Isang malakas na batang babae. Isang babaeng matatag. Isang babaeng handang harapin ang mga pagsubok sa buhay. Isang babaeng nanatiling masayahin sa kabila ng mga nangyayaring hindi maganda sa paligid niya.

            Mayroon akong tinuturing na pangalawang pamilya. Ang Tan-Aw Family. Nasa hyhskul palang ako ay kasali na ko sakanila. Sila ang mga taong nagbibigay sakin ng lakas, saya, inspirasyon at kulay sa buhay ko. Hindi nila ko iniwan at alam kong hindi nila ko iiwan. Masaya ako sakanila. Mahal ko ang pamiyang to.  Kuntento ako sakanila. Mas gusto ko pa sila kesa sa tunay kong pamilya. Mas masaya ako sakanila. Iba ko pag kasama ko sila. Lage ako masaya, makulit, maingay at madaldal. Hindi katulad sa bahay, mabibilang mga tawa at ngiti ko. Maintin din ulo ko pag nasa bahay ako. Maldita ako sa bahay. Lage kame nag-aaway ng kapatid at Mama ko. Minsan pati Papa ko. Ang baet ko kasing bata eh. Pero mahal ko pamilya ko, sa kabila ng kasamaan ng uagli ko, nasa likod at tabe ko pa rin sila. Kahit wala sila masyado alam sa mga nangyayare sakin. Andyan pa rin sila sakin. Binibigay pa rin nila mga luho ko.

             Yan ang buhay ko. Simple pero kumplikado. Masaya at kuntento kung ano man meron ngayon. Salamat sa Panginoon.







                                                                                                            Cabarda, Ivy B.
                                                                                                            BSBA-2A
                                                                                                            Filipino-I
                                                                                                            Bb. Mel Flor Soriano

Linggo, Oktubre 9, 2011

Geniel IƱigo Archivido Piczon


Ikaw?
Sino ka ba talaga sa buhay ko? Lage ka pa rin andyan pag may di magandang nangyayare saken. Hindi ko magawang magtago ng sekreto sayo. Lahat na ata alam mo eh. Pinapasaya mo ko kahit sa isang simpleng text lang. Napapangite at napapatawa kahit sa isang walang kwentang usapan sa text. Ang hilig naten mag-aningan eh! Magkasundo tayo sa mga kalokohan.
IKAW AT AKO
Dalawang simpleng tao na pinagtagpo ng landas. Magkaiba man ng ugali, nagkakasundo pa rin.
1st year HS tayo nung una kitang nakita. Earthquake drill. Nagtabe sa line yung section naten.  Hindi ko alam kung baket, pero sayo nafocus yung tingen ko kahit ang dame dameng tao nun sa Quad. Hindi ko na nga inaasahan na makikita kita ulit, kahit na maliit lang LHS. Nagulat pa nga ko nung nakita kita sa may M1-303 nung pinatawag ako ni Sir Gecijo. Since, hindi ko alam name mo tinawag kitang Mr. Lotus dahil na rin sa section mo. Gumawa pa nga ko ng letter. Pero diko binigay malamang nahiya ako. :) Simula nun nageng CRUSHna kita. Lage na kita nakikita eh! Every morning, breaktime at kung minsan pati uwian. SOLVE! :D Hanggang yun nga one day.. Foundation day sa LHS. Hindi ko alam na may plano mga classmates ko which is involve ka din. Ayun, ediMARRiAGE BOOTH bagsak. Kilig kilig din ^^ HAHAHAHAHA. At dun ko din nga nalaman yung pangalan mo talaga, GENiEL A. PiCZON. Alam mo bang ako lage pinagchecheck ni Sir Gecijo at Ma’am Bico ng test paper mo pag periodical test. :)) Nageng close ko din si Daryl , kaya nagkaroon ako ng idea about sa personality mo. At nalaman kong galet ka saken. Baket?
2nd year HS , enrollment. Tinengnan ko section ko, nakita ko rin na hinahanap nila Jessa yung section mo. At narinig ko din II-Camagong. Natuwa ako kase nasa isang building tayo nun. Yun nga lang 1st floor ka , 3rd floor ako. Nabasa ko pa nga namen mo dun eh Geniel IƱigo A. Piczon (Inigo lang pala yun). Ayun, Pasukan na! Hindi kita nakita. Nalaman ko nalang na lumipat ka na ng school.
Time passed. Before ng christmas party. I saw you! :33 Pasakay ng jeep. Biruin mo yun, saktong pag dungaw ko sa bintana ng room namen, ikaw nakita ko. Natuwa ako. :) Tapos nung christmas party nakita kita kasama si Daryl. Wearing Pink shirt! Lakas ng dating dre^^
Ganun pa rin buhay ko, everytime na may nakakasalubong ako na kilala ka at kilala ako , tinatawag akong PiCZON. Binigay ni Jessa number mo, nung una di kita tinext. Pero nung 4th year tinext na kita, nagkunwari pa nga akong ibang tao eh akse nga diab galet ka daw saken?
image
tuwang tuwa ka dito sa pag edit ko ng picture na to. Gwapo mo eh!
At ayun nga, nageng tayo. Alam ko pa din gang ngayon yung reaction ko nung tinawag mo kong “PANGET” sa STI nung nakita mo ko. Gulat ako! Tatago na nga ko eh. :D Adik ka kasee. Naalala ko tuloy dati mong name sa FBUnXpected Ako Yun . Ayun, ilan buwan din ang lumipas katulad ng ibang relasyon , nagbreak din tayo. Ngayon , uso pa rin saten aningan. Hindi ko na nga inaasahan na magkikita ulit tayo, kaya nagulat at natuwa ako nung pumunta ka sa school. Eh ayun nga, namiss kita kaya ang kulet , eh na-PiCzON ka pala! Ikaw na iba magalet! ^^ Ang dame ko pang tinawag na santo, maibalik lang ID mo. Buti nalang love ako ni God at naibalik ko sayo.PAECE ULIT! ^^
image
DONUT NA WALANG BUTASnatatawa ako everytime na naririnig at nababasa ko to. Ang kulet kasee! HAHAHAHAHA. Ikaw lang tumatawag nyan. Pati ako ngayon ^^
LECHE  KA FLANIsa din to sa mga nabuo ng kalokohan mo. Masarap ba? :D
Mister Geniel IƱigo Archivido Piczon, salamat sa lahat! :)) Pakabaet ka palage. BEHAVE! :D Goodboy ka na diba? :) Iwasan mo pagegeng PiCzON mo ha? Ang hirap mag-sorry sayo eh. HAHAHAHA. takot na ko magalet ka. Ikaw na siguro yung BESTFRiEND ko ngayon. At dati. Aral ka ng mabuti. Tara, SF tayo! :)) Ingat ka . Para hindi ka nadadapa! :P Wushu :))
Scofferlicious, boots, bf ko, mister ko, babe ko , worst and mortal enemy ko before , charzon , BESTFRIEND ko. :)))
Thank you.  :** Advance Happy 18th Birthday dre! :)))) Ako na excited ^^ November 26 na kase eh ^^

Miyerkules, Setyembre 21, 2011

KAIBIGAN - Talumpati ko

Sino nga ba sa ating ang walang tinuturing na kaibigan? Sinasabi nga na “No man is an island”. Hindi madaling mamuhay sa mundo kung wala kang kaibigang magmamahal, magpapatawa, mag aalaga at andyan para sayo.

Pera, yaman at popularidad ano nga ba ang halaga nito kung wala kang kaibigan? Oo, mayaman ka nga sa material na bagay ngunit, aanhin mo ba ito kung wala kang kaibigan na makakasama, diba malungkot? Kaya mahalaga ang pagkakaroon ng kaibigan, dahil mapupuno ka ng yaman sa pagmamahal. At kung dumating sa ating buhay ang isang kaibigan bigyan naman natin sila ng halaga dahil baka mawala pa sila sa atin.

Ang kaibigan ay bahagi na ng ating buhay. Minsan sila ang nagiging basehan kung sino at kung ano tayo. Sabi nga nila “Tell me who your friends are, and I tell you who you are”. Kung titingnan natin ang ganitong pananaw, masasabing dapat maging mapili tayo sa pagkakaroon ng kaibigan.

Ang pagkakaibigan ay isang samahan, na nagbibigay kulay sa ating buhay. Maraming pagkakaibigan ang nabubuo sa pagdaan ng panahon. Mayroong panandalian at mayroon din pang habangbuhay. Ngunit kahit gaano man ito kadali o katagal, ang mga magagandang alala at masalimuot na pinagdaan ng pinagsamahan ay mananatiling nakaukit sa ating mga puso’t isipan. Ang pagkakaibigan ay hindi lamang nandyan, upang magbigay ng kaligayahan, ngunit nandyan din upang ikaw ay sabayan, sa pagharap ng hamon at pagsubok ng ating buhay. Ang pagkakaibigan ay parang hangin, pwede mong maramdaman kahit kalian. Parang ibon na mahirap pakawalan. At parang isang agos na kay hirap pigilan. Ang pagkakaibigan ay hindi inaasahan itoy kusang dumadating at minsan ay nawawala. Dapat pahalagahan upang di mawala. Kailangan ng pasensya at tiwala sa isa’t isa. Minsan kailangan mong magparaya at intindihin.

Lahat ng tao pwede mong tawaging kaibigan, pero hindi lahat masasabe mong tunay.

Sino ba? O ano ba ang isang tunay na kaibigan?

Sila ba yung kasama mo sa inuman? Pag liban sa klase? Pag gagala? Ang tunay na kaibigan ay sinusubok ng bawat panahon at depende sa sitwasyon, maraming tao ang naghahanap ng totoong kaibigan na makakasama nila at magiging karamay nila sa anumang problema at kabiguan sa buhay. Mahirap makanap ng tunay na kaibigan at mabibilang mo ang mag tunay na mananatili sa iyo. Ang tunay na kaibigan ay magtatayo sa iyo sa araw na bumagsak ka at magsisilbi mong inspirasyon sa pag papatuloy sa buhay. Malaking bahagi sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan, sino bang ayaw?

Para sa akin ang isang tunay na kaibigan ay kasama mo sa panahon nang iyong kaligayahan at higit sa lahat sa iyong pangangailangan. Hinding hindi ako iiwan sa panahong pakiramdam ko mag-isa ako sa mundo. Hindi ako ipagpapalit kahit kanino. Masasabe kong hindi man ako kaswerte sa buhay pag-ibig, napaka-swerte ko naman sa mga kaibigan ko. :) SALAMAT!


Cabarda, Ivy B.
BSBA-2A (MM)

Sabado, Setyembre 17, 2011

EM - EM KO!

Maria Angelica Loren Diokno Tan :)

She's my em-em! My besftriend. My soulsister. My girlfriend.

Hello! :"> How are you? I just missed you! :)

Naalala ko pa rin yung unang araw na nagkakilala tayo..

GEL : first year ka?
AKO :  oo.
GEL : anong course mo?
AKO : Marketing.

Simpleng usapan, pero dun an pala magsisimula yung pagkakaibigan naten Akalain mo yun. Blockmates pala tayo eh.

Eh sino nga ba si MARIA ANGELICA LOREN DIOKNO TAN?

Well, napaka-friendly niya. Siya yung atong, kahet magsalita lang siya, mapapatawa ka naa. Napaka-kulet. Fun to be with nga kase. Mahilig magpasaya ng tao. lageng handang tumulong. Matalino yun nga lang tamad kung minsan. Mabaet. Maldita. Sweet. Lovable. Caring. Madame pinapasok na business magkarun lang ng extra income. Mahilig sa figure na baboy. Mahilig kumaen pero nagrereklamo pag tumataba.

Spoiled ako sakanya. Yung tipong lahat halos ng gusto ko nabibigay niya.

S A L A M A T H A ?
salamat sa lahat. LAHAT - LAHAT!

S O R R Y PO HA ?
kung umiwas ako sayo. Hindi naman dahil yun sa di na ko masaya sayo. May mga bagay lang talaga na dapat kong ayusin. 

Nag-aadjust pa din ako. Diko naman pwede iwan yung mga taong nilapitan ko nung nag-iisa ako, ng ganun ganun lang at agad agad.

Namimiss na kita eh. :(
Ikaw pa rin em ko.

Mageng masaya ka lang. Yung tunay na masaya. :)

Huwebes, Setyembre 15, 2011

KAMBAL KONG MAHAL

Who's AiLYN JOYCE ROXAS SARTE in my life?


Siya? Kilala mo ba siya? Sino nga ba siya sa buhay ko?


Blockmate ko siya nung 2nd sem, 1st year BSBA.1A. Hindi kame close. Ni mag-ngitian nga di namen magawa eh. Pag nagkakatingenan, para walang lang. Parang hindi kame magkakilala sa madaling salita. Magkaiba kame ng mundo. Magkaiba kame ng grupo. 


Magkalapit yung upuan namen pag english time. Nasa bandang harap ko siya, left side. Hindi kame nag-uusap. Tapos one day, english time. Nanghinge siya ng yellow pad saken. Tapos, parang dun na nagsimula yung ngitian namen pag nagkikita, nagkakasalubong o nagkakatitigan. Pero hanggang ngitian palang yun.


Paano nga ba talaga kame nageng close at nagtawagan ng KAMBAL?


Hindi ko din alam kung panu. Pero natatandaan ko nag.wallpost ako sakanya. Tapos ayun. Kilala niya pala si Bam.


Nageng close siguro kame dahil kay Beng. Eh kase close sila ni beng, tapos close kame ni beng. Tapos ayun, nagkakalokohan na kame, nagkakabiruan at nagkakangitian.


One saturday afternoon, nasa quad kame nagprapractice para sa humanities namen. nakatalikod ako, tapos napagkamalan ako ni Caryl na si kambal. Pareho daw kase yung style ng gupit ko, sa gupit ni kambal dati. Gets? :)) Tapos ewan ko kung ano pumasok sa isip nila tinawag kameng dalawa na KAMBAL. Pero kahet ganun na tawagan, andun pa rin yung ilangan factor. May mga bagay na hindi ko alam sakanya at hindi niya alam sakin.


Hindi ko din talaga inaasahan na magegeng ganito kame ka-close ngayon.Eh sino nga ba talaga mag-aakala diba? Bawat araw na lumilipas lalo ko siya nakikilala. May mga bagay kameng parehong gusto. At ayaw. Kambal nga eh? Pareho pala kame mahilig sa ganito :))


Mukhang siyang mataray. Kaya ayoko sakanya dati. Yung feeling na parang hindi kame magkakasundo. Yung bang magkasalungat kame. Pero I was wrong!


Iba si Ailyn. Iba siya kase matapang siya. Bastaa! Iba siya eh. Natutuwa ako kase nageng close kame. Parang totoo na kameng KAMBAL.


MAHAL. Salamat ha? Ha! Ha. :D


THANK YOU ....


Kase hindi mo ko iniwan. Hindi mo ko pinabayaan sa oras na napaka-down ng buhay ko. Salamat sa pag-aalaga mo. Yung lahat gagawin mo mapa-ngite lang ako. Salamat sa pagbibigay ng lakas ng loob. Salamat sa pagsama sakin. Salamat sa ngite, sa lakas. Salamat sa pag bibigay mo ng gardenia toast bread nung may practice pa kame ng cheering. Salamat lageng ka andyan sa tabe ko. Salamat sa pakikineg mo sa mga kwento kong pang-gago! :)) Salamat sa mga advicessssssssss mo. Madame kase kaya may mga "S". HAHAHA. Salamat sa LAHAAAAT! Yung date naten mauulit yun. :)) 


Nonsense, hindi kita iiwan. Aning ka ba? Aalagaan naten ang isa't isa diba? Responsibilidad na rin kita. Loka to! HAHAHAHA. Drama mo eh! Nahawa ako. :p Akin ka nalang. :)) 


Madame pa tayo pag dadaanan. Tutusukin kita ni tinidor eh! :)) Mageng malakas lang tayo. Mageng matatag.


Ang dame ko pa gusto, idagdag kasu nakalimutan ko na eh.
Next time na yung iba.


ILOVEYOUSOMUCHNESS KAMBAL! :**
Dito lang ako ha?
Huwag ka ding tanga! :D
Mag-ingat ka!


This BiTCH, loves you so much! :**

Miyerkules, Setyembre 14, 2011

"Madaling sabihin ang salitang "PAALAM", yun nga lang mahirap PANiNDiGAN.


Paano nga ba magpaalam sa isang taong minsan nageng parte ng buhay mo? Paano ka masasanay na wala siya sa tabe mo? Paano ka ngingite kung siya yung dahilan ng pag ngite mo. Paano ka magegeng malakas kung siya ang nagsisilbi mong kalakasan? Paano na mga pangarap niyong sabay na binuo? :|
Puro paano? Pero PAANO NGA BA TALAGA?
Hindi ganun kadaling kalimutan lahat.. Lahat lahat. Lalo na kung matagal kayo nagsama. Lalo na kung MAHAL mo pa.. Kahet hindi mo sabihen, alam mo sa sarili mo na umaasa ka pa rin. Na SANA balang araw pag giseng mo.. Magegeng OKAY ulet kayo. Katulad dati. Pero paano kung masaya na siya ng wala ka? Masaya na siya sa piling ng iba? Pano ka na?
Madaling magbitaw ng mga salita.. Ngunit alam naman nating lahat na napaka-hirap itong paninidigan. Lahat pwede mabago.. Lahat pwede mabura. Dapat mageng handa ka sa lahat ng pwede mangyayare.
Mahihirapan ka bumitaw, dahil sa mga alaala niyo. Pero kung gugustuhin mo magagawa mo. Mageng handa ka lang.. Sa lahat ng pwedeng mangyare.
Ito na ba talaga ang oras na dapat ka ng sumuko?
Sa tingen mo? Ano nga ba talaga dapat mong gawin? Umasa? Baket may aasahan ka paba? Ikaw mismo. Alam mo sa sarili mo kung ano yung tama. Takot ka lang gawin. Baket ka matatakot? Kung kapalit neto ay paglaya sa isang madilim at masaket na kahapon?
Huwag mo hayaang sarili mo na mamumuhay sa nakaraan. Masasaktan ka lang. May mga kaibigan kang handa kang tulungan. Handa kang pasiyahin. Mageng malakas at matapang ka. Huwag mong ipakita na mahina ka. Lalo ka lang niya aabusuhin. Tama naa! Kung mahal ka talaga niya hindi niya to gagawen. Hindi ka niya sasaktan. Gumiseng ka naa! Imulat mo mga mata mong nageng bulag, buksan mo puso mong nageng sirado dahel sa pagmamahal mo sakanya. 
Madame nagmamahal sayo.. Hindi mo lang sila nakikita at napapansin. Naka-paligid lang sila sayo.. Kung kaya nila, kaya mo din^^.
Smile lang ng smile :)) <3

Linggo, Setyembre 11, 2011

Hindi man ako ganun kaswerte sa buhay pag-ibig, masasabe ko naman NAPAKA-SWERTE KO SA MGA KAiBiGAN KO!


Masasabe kong NAPAKA-SWERTE KO SAKANiLA! :)) Lage sila nasa tabe ko. Hindi nila ko iniiwan at pinapabayaan. Kahit ano pa nangyayare sakin. Ang dameng NAGMAMAHAL sakin. Ang dame kong kaibigan na lageng  nakasupporta sa lahat ng gagawin ko.

PiNU-PUNO nila ako ng PAG-MAMAHAL ARAW-ARAW!

T H A N K Y O U A L L :**

Salamat at lage kayo nasa tabe ko. Salamat sa pag aalaga niyo saken. Salamat di niyo ko iniwan sakabila ng mga nangyayare sakin na hindi maganda. Salamat sa suporta. Salamat sa pag papalakas ng loob. Salamat sa pag papatawa at pag papangite sakin. Salamat sa mga memories. Salamat sa oras na binibigay niyo sakin. Salamat sa pakikinig ng mga kwento ko. Salamat sa tawa niyo pag nagjojoke ako kahit corny. HAHAHAHA. Salamat sa kulitan, asaran, harutan, kurutan, hampasan, trippings, takbuhan, lakaran, tambayan, burautan, barahan, lokohan, out of this world topics, tampuhan, mga galaan na hindi alam kung san ang patutunguhan. Salamat sa mga advices niyo kahit minsan puro kalokohan. Salamat sa mga lessons. Salamat sa pagegeng TOTOO NiYO SAKEN. SALAMAT SA PAGMAMAHAL NiYO! Salamat talaga.

Kayo yung kumukumpleto saken.

Mahal na mahal ko kayo.
Mahalaga kayo sakin.
Kahit hindi ko minsan napapakita. Kayo yung dahilan kung baket ako lageng BLOOMiNG. Inlove ako sainyo eh. HAHAHAHAHAHA! :D Lumalawak na ulit mundo ko dahil sa inyo. 

SALAMAT TALAGA SA iNYO! :))

Andito lang din ako para sainyo. Hindi ko kayo iiwan. Papahalagahan ko yung mga bagay, na hawak ko para di mawala sakin. Hindi ko kayo pababayaan. Part na kayo ng buhay ko.

M A H A L K O K A Y O N G L A H A T ^^.


WALANG SELOSAN AT AGAWAN NG KAiBIGAN HA? :P