Yung feeling na masaya at kuntento na ko sayo. Wala na akong ibang gusto kundi ikaw na lang. Masaya na nga kasi at kuntento ako. Sabay na tayo nangangarap para sa future natin. Ang dami ng
Alam ko marami akong pagkakamali at pagkukulang sayo. Ang taas ng pride ko! Ang ikli ng pasensya ko pagdating sayo. Lagi nalang ako nagsisimula ng away. Kahit napaka-liit lang na bagay. Kahit hindi pa nga dapat pag awayan eh. At kahit walang dahilan naiinis ako sayo. Diba? Pero lagi ka pa rin andyan handang maglambing at mag-sorry sakin, kahit ako yung may mali . Napaka-childish ko, maldita, selosa, tupakin ko. Pero andyan ka pa rin. Ang swerte ko kung tutuusin, pero hindi kasi nila alam LAHAT.
Masyado akong naging kampante sa pagmamahal mo, hindi ko aakalain na mangyayari ulit to satin. Pero mas okay na rin ‘to. Mas lalo mo na naman kasi ako pinalakas at pinatatag eh. Mas lalo ko na naman nakilala sarili ko.
Ngayon, nakikita na kitang masaya sakanya, okay na rin ako. Huwag kang mag-alala andito pa rin naman ako, as your BESTFRiEND. Huwag mo lang ako sasabihan ng bitter, sa pag ooffer ng friendship ko. Kilala mo ko. Handa kong mapatunayan na Bitter nga ko, kung gugustuhin ko. Pero hindi ako ganun. Dahil ayoko. Ayoko kasi hindi dapat at hindi tama. Masaya na rin naman ako sa mga taong nagmamahal sakin. Hindi man ako ganun kakumpleto, pero alam ko may isang taong kukumpleto ulit sakin. Sabi mo nga hindi ko kailangan ng boyfriend, para lang masabing masaya ako. Salamat ulit. Sana wag mo siyang saktan at wag ka niyang iwan once na nakilala ka na niya talaga. :) SALAMAT. Ingat ka nalang lagi. GodBless! :) StudyHard! And don't forget to SMiLE :) Kain ng madami ng tumaba. PAYAT!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento