Martes, Oktubre 18, 2011

TALAMBUHAY

                Ako si Ivy Balasta Cabarda. Isinilang noong Nobyembre 23, 1994. Panganay na anak ng mag-asawang Joy at Danilo Cabarda. Mayroon ako isang kapatid na babae, pitong taon ang agwat namin. Laking Lolo’t lola ako. (Mother side)  Kaya mas malapit loob ko sakanila.

            Pumasok sa paaralan noong tatlong taon gulang pa lamang. Lola ko ang nag-aalaga sakin. Nag-aaral pa kasi Nanay ko noon, nagtratrabaho naman aking Tatay. Kaya hindi nagtataka kung bakit mas mahal at mas gusto ko sa Lola ko. Panganay ako na apong babae. Lahat halos ng gusto at kailangan ko ay naibibigay sakin ng walang kahirap hirap. Lahat din halos ng gusto ko salihan noong elementarya ako ay nasasalihan ko. Kinuha ako ng Tatay ko sa Lola ko noong ako’y anim na taong gulang. Dito na kami tumira sa Maynila. Nakakabanibago noon. Ayoko pumasok sa paaralan dahil natatakot ako sa mga kaklase ko noon. Dahil nga bago lang ako sa Maynila. Hindi ako pumasok ng dalawang lingo sa paaralan. Kaya nagpasya ang aking mga magulang na ilipat nalang ako ng paaralan. Sa Fairview Elementary School ko pinili, para makasama ko mga pinsan ko. Buti nalang at kakilala ng Tita ko yung Principal, kaya nakalipat pa ko. Gaya ng iniaasahan ko, hindi rin anging madali ang unang lingo ko sa paaralan nay un. Salamat na lang sa aking tagapayo noon, ginawa niya kasi akong modelo na dapat daw gayahin ng aking mga kaklase. Nageng malapit sakin mga kaklase ko simula noon. Nageng madaldal at makulit na rin ako. Nagegeng dahilan kung abkit napapagalitan mga kaklase ko, at hindi ako. Dumaan ang mga panahon. Malapit na ko magtapos ng elementarya. Natatandaan ko pa kung paano ko niyakap Tatay ko sa sobrang saya noong sinabi na pupunta Lolo ko para sa graduation ko. Ang sarap ng pakiramdam na makita mo sa mga mata ng Lolo at mga Magula mo na proud sila sayo.

            Bakasyon bago ako pumasok sa hyhskul, tinanong ako ng Tatay ko kung saan ko gusto mag-aral. Sinabi kong sa Lagro High School ako mag-aaral, para makasama ko mga bestfriend ko. Noong una ayaw nila pumayag, pero noong tumagal pumayag na rin. Bagong kapaligiran, bagong paaralan, bagong mga guro, bagong mga kaibigan, bagong buhay, bagong yugto ng buhay ko. Nageng masaya at makulay buhay ko sa LHS. Unang taon sa hyhskul, naranasan ko na agad ang sinasabi nilang FiRST LOVE. Naging STUDENT TEACHER ako sa asignaturang Filipino. Naging pangalawang-pangulo n gaming seksyon. Nageng Top Student. Noong nasa ikalawang taon na ko lalo ako naging pursigido ako na mag-aral. Nararamdaman ko kasi ang kompetinsya noon sa aming klasrum. Sali ditto, Sali doon. Naranasan ko din noon na halos uuwi nalang sa bahay para makikaen, makitulog at makiligo. Naging busy ng sobra. Noong dumating ikatlong taon ko ay naranasan ko ng maging bulakbol. Naranasan kong uminum, subukan ang pag yoyosi, magcutting. Lahat ng Gawain ng gagomg estudyante nagawa ko noon. Pero hindi ko pinabayaan pag-aaral ko. Ika-apat na taon, sinabi ko sa sarili ko magseseryoso na ko noon sa pag-aaral. Pero nageng gago pa rin ako. Araw-araw bago pumapasok, umiinum kami ng mga kaklase ko. Bilang pangulo n gaming seksyon, lahat ng gusto ko nasusunod, bukod na rin yun sa ako ang tinuturing nilang bunso. Nageng top student pa rin ako sakabila ng mga ginawa ko. Unang bese ko din nakaranas noon ng pagkabigo sa pag-ibig.

            Bago ako pumasok sa Kolehiyo. Madami akong paaralan na sinubukan. Isan na doon ang PUP. Pasado naman sa entrance exam, ayaw lang ng mga magulang ko. Malayo daw at bahain. Sumunod ang AdU, kasama ko bestfriend ko magtake ng exam noon, pati sa PNU sinubukan namin. Sa kasamang palad, na una siyang mag-enroll sakin sa UM, kaya mas pinili ko na rin sa NCBA.

            Masaya naman ang buhay bilang isang WiLDCAT/NaCBAian. Lalo na mageng isang Marketista. Ang dami na naman bago. Pero sa ngayon sanay na ko sa NCBA. Habang tumatagal nakikilala ko mga tunay kong kaibigan. Alam ko na hindi nila ko iiwan hindi katulad ng iba.

            Naranasan ko ng magmahal at masaktan ng sobra. Magmahal ng sobra, na hindi ko namalayan na masasayang lang pala sa bandang huli. Hindi ko naman inisip na tanga ako. Nagmahal lang talaga ko ng sobra. Dahil sa sobrang pagmamahal na kalimutan ko sarili ko. Ngunit ito ako ngayon. Isang malakas na batang babae. Isang babaeng matatag. Isang babaeng handang harapin ang mga pagsubok sa buhay. Isang babaeng nanatiling masayahin sa kabila ng mga nangyayaring hindi maganda sa paligid niya.

            Mayroon akong tinuturing na pangalawang pamilya. Ang Tan-Aw Family. Nasa hyhskul palang ako ay kasali na ko sakanila. Sila ang mga taong nagbibigay sakin ng lakas, saya, inspirasyon at kulay sa buhay ko. Hindi nila ko iniwan at alam kong hindi nila ko iiwan. Masaya ako sakanila. Mahal ko ang pamiyang to.  Kuntento ako sakanila. Mas gusto ko pa sila kesa sa tunay kong pamilya. Mas masaya ako sakanila. Iba ko pag kasama ko sila. Lage ako masaya, makulit, maingay at madaldal. Hindi katulad sa bahay, mabibilang mga tawa at ngiti ko. Maintin din ulo ko pag nasa bahay ako. Maldita ako sa bahay. Lage kame nag-aaway ng kapatid at Mama ko. Minsan pati Papa ko. Ang baet ko kasing bata eh. Pero mahal ko pamilya ko, sa kabila ng kasamaan ng uagli ko, nasa likod at tabe ko pa rin sila. Kahit wala sila masyado alam sa mga nangyayare sakin. Andyan pa rin sila sakin. Binibigay pa rin nila mga luho ko.

             Yan ang buhay ko. Simple pero kumplikado. Masaya at kuntento kung ano man meron ngayon. Salamat sa Panginoon.







                                                                                                            Cabarda, Ivy B.
                                                                                                            BSBA-2A
                                                                                                            Filipino-I
                                                                                                            Bb. Mel Flor Soriano

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento